Tuesday, January 5, 2010

Gusto

Gusto


Gusto ko bughaw, Gusto mo pula at dilaw.
Gusto ko kahit kay liit, Gusto mo ng nakakahigit.
Gusto ko bilog, Gusto mo laging tatsulok.
Gusto ko kahit magaspang, Gusto mo madalas makinang.

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo

Gusto ko dalawa, Gusto mo tatlo apat lima.
Gusto ko kahitpa bulong, Gusto mo ng dumadagundong.
Gusto ko buhangin, Gusto mo maging bituin.
Gusto ko isang basong tubig, Gusto mo buong daigdig.

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo.

Gusto kong lumipad
Gusto mong tumakbo't maglakad
Gusto kong matutong lumangoy
Gusto mong maglaro ng apoy

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo

Gusto mo umaraw na naman
Gusto ko konting liwanag
Gusto mo buong magdamag
Gusto ko dito gusto mo doon sa dulo
Gusto ko ngayon gusto mo nagdaang kahapon

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo.