Wednesday, April 16, 2008

Storya (Part 1)

Noon naisip ko na, gusto ko makasama ang isang taong mamahalin ko tulad ng mga nababasa ko sa mga "Storya" sa comics..oh minsan napapanood sa mga sine..corny noh?? pero ganyan nga talaga ang iniisip ng isang lalaki na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend o ng taong mamahalin nya. At noon madalas ko na maitanong sa sarili ko na, ano kya feeling?? na kasama mo ang mahal mo sa tabing dagat naglalakad? oh magkasama kayong tatanda na katulad ni lolo at lola? "Ang saya siguro."

Highschool pa lang ako hindi na ako gaano nagaaral, tamad?? hindi nmn pro cguro sobrang bored lang. Kumbaga sa pagkain walang spice hehehe or kumbaga sa isang pelikula black and white ang palabas, isang simpleng studyante sa isang simpleng paaralan. Sa eskwelahan nmin maraming sikat at marami ring pasikat. in Short walang kwenta..

Isang ordinaryong studyante lang ako minsan makulit, minsan tahimik hehehe. PT pinakuha sakin ng tatay ko, pero hindi nagtagal nagshift ako ng Nursing. Dahil nga hindi ako magaling sa MATH. Pero ako?? ayoko ng course ko, Finearts talaga gusto ko lalo na Photography or Conservatory of Music. Bkit?? aaah cguro para masabi ko ang nasa sa sarili ko na hindi kayang sbihin sa salita.. Pero sabi ng tatay ko na, "ano ang mapapala mo sa course mo pag nkagraduate ka na?"..napatigil ako at napaisip at naitanong sa sarili "ano nga kaya??", sige sabi ko try ntin gusto nila baka nga tama sila.

Nursing na ako dto sa isang college dto sa Quezon City. Minsan sa isang ordinaryong araw ng buhay collegio ko, nangyari ang isang hindi ordinaryong pangyayari. Para akong Binagyo ng araw na yun. Nawala sa sarili..,Biglang nag slow motion ang mundo ko..ng makita ko ang crush ko. Ilang beses ko narin naramdaman ang ganoong feeling


iba nga talaga cguro pag nakikita mo ang taong gusto mo, para kang nasa ibang planeta, na biglang nag slowmo ang mundo mo. Cguro may katagalan ko na rin hindi nararamdaman ang ganoong feeling kaya siguro para ako naninibago. Lalo na ng makita ko na lumingon sya sakin nung araw na yun para akong "ice cream na nabilad sa ilalim ng araw" ang tindi..whew


Bakit Kaya?? hmm?

Kaya lang may malaking problema..hmm ano yun??? Nang araw na yun ang dami nya kasama.. mga lalaki pa, mga kaibigan nya siguro oh mga suitors nya, hindi ko alam..para syang nababakuran ng mga panahong iyon. Ako pa naman yung tipong tao na madaling panghinaan ng loob ewan..Ang nasabi ko na lang sa sarili ko noong araw na yun "Siguro napatingin lang sya sakin, sino ba naman ako para tingnan nya ng ganun."


Lumipas cguro ang isang buwan nilapitan ako ng barkada ko na sabi "pare may lumapit sakin lalaki, pinatatanong daw nung kaibigan nyang girl kung ano daw pangalan nya" kaso hindi nya nkita yung girl kasi biglang nagkaroon ng tension sa loob ng classroom nila. Pero sabi ng barkada ko sakin "parang yung crush mo yung nagpapatanong ng name ko whew" naisip ko bakit kaya? pinatatanong yung name nya?? hmm hehehe

Tumingin!:)

sarap makita ang isang taong crush mo na tumingin oh tumitingin sayo dba? para kang natutunaw, nangyari yun sakin hehehhe..nasa classroom ako nun ng makita ko sya na sumilip dun sa glass part ng door na usual sa mga classroom natin dto sa pinas, ang dating ng silip nya parang may hinahanap..nagkataon nmn na napatingin ako dun sa door, at nung makita nya ako na napatingin, bigla syang nagulat at nagtago na parang nakakita ng multo hehheehe! as in literal na nagtago, syempre gusto ko makita sya nilabas ko..pagbukas ko nung door pra syang bula na biglang nawala tsk!nasabi ko sa loob loob ko SAYANG! hehehe

WoW!


Lumipas ang mga buwan nangyari ang hindi ko inaasahan,paakyat ako ng elevator bigla ako tinawag ako ng barkada ko na sabi "Joshua! may gusto kumilala sayo ah" sabi ko "Sino naman yun?" sabi nya "Eto yung number txt mo na lang" Wow! astig..hehehe pagkita ko number at name nya..tama hinala ko:)


Pagdating sa bahay saka ko tinxt yung number nya. Agad Agad sya nagreply na parang kidlat sa bilis..Iba talaga ang feeling nung araw na yun nakakagulat..haaaay.
to be continued..

0 comments: