Friday, August 29, 2008

Storya (Part 4)

Kakaiba # 4

Sa buhay ng isang studyante hindi mawawala ang pag sakay sakay sa mga pampublikong transportasyon, sa madaling sabi commute. Marami pwedeng mangyari, sa pag byahe patungo ng eskwelahan o pauwi ng bahay, pwedeng maganda ang pangyayari o pwede naman masasma, at minsan sa sobrang sama eh halos maisumpa mo na ang araw na iyon..

Pero may mga pangyayari na hindi mo alam kung maiinis ka o matutuwa ka..yung parang mapapangiti ka na lang dahil hindi mo alam kung ano magiging reaction mo. Ganyang ganyan ang naramdaman ko nung minsan magkasama kami.

Papunta kami sa Makati nung mga panahon na yun naisipan namin mag MRT para iwasan ang kalimitang problema ng Quezon City ang Traffic! nasa GMA Kamuning station kami sumakay ng mga oras na yon. Sabi nya "ako na bibili ng ticket..wait ka lang" sabi ko naman "sige bahala ka"

So pagkatapos nun nag hintay na kami ng tren, nung mga panahon na yun wala pa gaano sumasakay ng MRT sa GMA Kamuning station, onti pa lang ang mga tao nun, sa madaling sabi maluwag ang pila sa tren..sobra! Pagkatapos ng mga ilang minutong paghihintay, dumating na ang tren.. na sa hindi malamang dahilan eh sobrang puno!

Nauna sya pumasok sa tren, medyo mahirap sumiksik sa MRT pag gnun dba?? kaya ako hindi ko alam kung paano papasok..at kung paanong siksik ang gagawin ko kaya medyo umatras muna ako palabas para makabwelo papasok, biglang pag atras ko saka nmn sumara yung pinto ng MRT! sa madaling sabi naiwan ako ng tren hehe! hindi ko malaman kung paano magiging reaction ko nun kung matatawa ba? o maiinis? ewan..nung sumakay na ako sa susunod na tren tumawag sya sakin nasa santolan station sya so ako bumaba naman ng Santolan station pag baba ko tawa kami ng tawang dalawa hehehe..

Delubyo
"Hindi lahat ng panahon tag-araw"

Yan na lang ang naisip ko nung minsang magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.

Duty ko sa East Avenue ng mga panahon na yon mga 8:00 pm na ang oras malapit na kami pauwiin mula sa 2 to 10 na duty, medyo pahinga muna sa isang kwarto na inasign samin na tambayan. Biglang tumawag sya sakin..

Girl: Kamusta duty??

Boy: Ok lang..eto laging naman pagod

Girl: hmm gnun?? ahh sya nga pala lumipat na ako ng bahay..

Boy: ha??! ano san??

Girl: dito sa may taguig..

Boy: eh teka ang layo nyan..hmm kelan ka pa nakalipat?!

Girl: kahapon lang..

Boy: eh bakit hindi ka man lang nag-sasabi?! bigla bigla ka na lang lilipat..

Girl: eh ganun din naman eh what for pa..

Boy: oh cge bahala ka na nga!

-end-

Napakasakit marinig sa taong mahal mo ganoong linya "what for pa.." kahit siguro sinong tao ang sabihan ng ganyang linya, eh sa palagay ko walang ibang magagawa kundi manghina, lalo pa kapag nangaling sa taong pinaka mahalaga sa kanya..dba??

Pinilit ko na lang saluhin ang mga binatong salita nya sakin kahit na medyo nabibigatan, lunukin kahit na nabubulunan, deadmahin kahit na nahihirapan.

Siguro ganyan nga talaga nangyayari pag nagmamahal ka..
para kang nagrereview, sa una para kang bobo.. pero bandang huli napapansin mo na natututo ka na pala..

2 comments:

Althea said...

Parang alam ko toh. :)) HAHAHA!! :))
Miss you. ;)

Anonymous said...

kakatawa at nakakainis nga...