Tuesday, April 13, 2010

Storya (part 5)

Heto na!! Heto na!!

Hindi pa din kami nagkikibuan magmula nung lumipat sya, ayoko itxt o tawagan man lang at ganun din sya PATIGASAN ang labanan, ayoko magparamdam sa kanya para man lang ipakita ko sa kanya na may konti pa din ako dignidad na natitira sa sarili kahit wala na dahil mahal ko sya. Pride. Iyan ang gusto ko palabasin sa kanya dahil para bang inaabuso nya na ang kabaitan ko sa kanya, kahit wala namng mailalabas na.

Tapos minsan duty ko sa hospital nmin, 2 to 10 ang schedule sa ER kaya tambay mode lang muna. walang mga pasyente ang nakikita ko lang eh yung doctor na saksakan ng sungit, kaya nmn pala walang asawa, medyo terror sa ER kaya sindak kami ng mga ka groupmate ko. So samadaling sabi walang magawa ang tanging ginagawa lang nmin nung oras na yun eh huntahan sa isang kwarto doon.

Biglang nilapitan ako ng ka group kong lalaki na saksakan ng yabang at saksakan ng ingit sakin sa tingin ko dahil wala syang alam payabangan kung hindi ako. Sya yung lalaki kong ka groupmate na nangulit sakin dun sa part 1 ng Storya. Sa palagay ko unti unti na syang naasar sakin magmula noon sa hindi ko malamng dahilan. Tapos biglang sabi nya sakin:

Groupmate: Tol kamusta si pearl??

Ako: Ayun ok lang nmn..

Groupmate: Balita ko nakalipat na sya ah..

Ako: Oo nga eh..(sa loob loob ko hataw updated aah)

Groupmate: Nagpunta nga yung isang barkada ko dun natulog..

Ako: *speechless*


-end-


Wala akong ibang naramdamn noong panahon na yun kundi inis at galit dun sa ka groupmate ko, gusto ko na sapakin nung mga oras na yun kung wla lang sa ER eh, nasabi ko na lang sa sarili ko: Ano kayang gustong palabasin nitong hayop na toh! parang nakakalalaki eh! badtrip talaga!

Kung hindi pa kayo nakakaranas kumulo ang dugo ng literal, eh ako naranasan ko na nung mga oras na yun! Hindi ko alam kung gusto ko txt oh tawagan bigla sya nun, feeling ko ako may kasalanan kasi ilang linggo ko na sya hindi tinatawagn oh txt man lang.

Kaya bago mag uwian naisipan ko na syang i txt, dahil sobrang gusto ko na siya bigla makita, siguro na feel ko bigla na kailangan ko sya makausap dahil baka mawala na lang sya sakin ng hindi ko namamalayan. Ako na nag sorry sa ginawa ko kahit na hindi ko kailangan mag sorry, nilunok ko na lang uilt pride ko kahit na hindi kailangan, Tinangap ko nalng kahit hindi dapat tangapin, wla nmn mawawala kung paminsan minsan gagawin ko toh sabi ko na lang sa sarili ko.

Noong gabi na yun nag reply sya sa txt ko sabi nya puntahan nya ako sa ER, natuwa nmn ako dahil makakasama ko na sya. Pag ka kita ko sa kanya sa labas ng ER bigla nya ako yakap ng mahigpit at sinabi na na miss nya ako, ako din nmn gnun napayakap na din sa kanya nasabi ko na lang sa sarili ko.."sana laging ganito":)

Ang Kwarto.
Hindi rin naman nagtagal ang tampuhan na yun, kumbaga sa tampuhan tampung kulangot lang yun, pero napaisip na rin ako na sana hindi magtagal ang ganitong mga tampuhan.. Sa madaling sabi nakapunta rin ako sa Taguig doon sa appartment nya, dahil hindi naman lahat ng pagkakataon lagi na lang delubyo dba?? So kahit papaano nagkakaroon din manakanakang Taginit! Maayos na ang lahat, may kama, dining table, refrigerator, baso, kutsara, tinidor etc.. sa madaling sabi kumpleto na. Kung ihahalintulad mo sa mga dorm parang bed spacing room lang yung laki, pero solo namn nya may sariling banyo kaya kahit papaano may privacy. Kakilala nmn ng mommy nya yung landlady kaya hindi na rin ako nagaalala, tapos may taga check pa sa kanya na lalaki na kumpare nmn ng mom nya kaya naisip ko safe nmn sya dun, kahit papaano..
Bahay Bahayan!

Minsan naisipan kong dumalaw at dun mag lunch ayos!! para lang kaming nag Babahay Bahayan. Nagluluto sya ng lunch, Hotdog.. prito ang gusto nya ayaw nya ng New York Style na hotdog na laga, pangit daw ang lasa parang masuka suka daw sya hehe! kasi minsan ginawa na rin ng katulong nya yung ganoong style ppero masagwa daw talaga ang lasa. At ako naman taga bili ng 1.5 liters na Coke ako taya syempre para naman masarap ang kainan.


At sa sobrang init ng katanghalian sa Taguig eh halos matuyuan ako ng lalamunan kaya panay inom ng tubig, kaya siguro ganun.. dahil minsan wala magawa, eh panay guitara lang ako sa bahay nya na tinutugtog ang mga Beatles song sa songhits na dala ko. Kaya kahit medyo maliit, masikip, mainit ok nmn dahil contento ka sa nangyayari. jamming, chill at syempre kasama ko sya:)

Minsan sa sobrang tagal ko nakatambay dun sa bahay bahayan eh nalalate rin ako sa skewela, lahat ata ng uri ng transportasyon eh sasakyan mo papunta dun eh kulang na lang eroplano at bapor. Mula samin saksakay ka ng jeepney baba ka sa GMA Kamuning, tapos sakay ka ng ng MRT papunta Guadalupe station, tapos sakay ka ulit jeepney baba ka sa malapit sa Libingan ng mga bayani, tapos trycycle ayun na andun ka na pwede rin ata pedicab, at kariton kung gusto mo makiangkas sa mga magbobote na nagdadaan dun hehe!

To be continued:D

1 comments:

Aurora Grace said...

Medyo nakakarelate ako. Wala nanga natira sakin. Dignidad ko nga halos kinuha na niya. hay... :(