Monday, June 16, 2008

Ang Payaso

Ang Payaso

by Joshua

Sa mundo ng entablado narito ang Payaso.
Sa mundo ng teatro narito ang Payaso.
Sa gitna ng kalungkutan nariyan ang Payaso.
Sa mundong magulo narito ang Payaso.

Nagbibigay saya sa mga bata.
Pati na rin sa mga isip bata.
Konting kembot konting tawa.
Ayan! lahat masaya.

Sirko dito, sirko doon
na parang walang kahapon.
tambling dito, tambling doon
Nagiging masaya ang pagtitipon.

Sa mundo ng entablado narito ang Payaso.
Sa mundo ng teatro narito ang Payaso.
Sa gitna ng kalungkutan nariyan ang Payaso.
Sa mundong magulo narito ang Payaso.

Kitang kita ang saya sa mata,
na parang walang problema.
Wala rin bakas ng kalungkutan,
sa kanyang mukha.

Makulay ang mga damit,
kahit medyo mainit.
Makulay ang suot,
kahit na nagmumukhang engot.

Sa mundo ng entablado narito ang Payaso.
Sa mundo ng teatro narito ang Payaso.
Sa gitna ng kalunkutan nariyan ang Payaso.
Sa mundong magulo narito ang Payaso.

Marami ang nagsasabi
dyan sa tabi tabi
na bakas pa rin,
ang ngiti sa kanyang mga labi.

Ngunit minsan isang araw,
ang makeup ng Payaso ay
unti unting nalusaw.

Ang mundoy naging mapanglaw.
ang lahat ay hindi na matanaw.
Ang saya ay unti unting pumapalahaw.

Marami ang may akala,
na ang Payaso ay walang problema.
Pero problema nya pala,
kung paano ilalabas ang kanyang problema.

Sa mundo ng entablado narito ang Payaso.
Sa mundo ng teatro narito ang Payaso.
Sa gitna ng kalunkutan nariyan ang Payaso.
Sa mundong magulo narito ang Payaso.



ps: this poem is the result of my sleepless nights..see its exactly 12:43 and still i cannot sleep haaaaaay:(

1 comments:

Anonymous said...

hi there.. no i'm not a student of arts.. pero kung macoconsider mo ang polsci na arts (kasi AB), pwede na rin! hehe! sure, i'll add you to my links.. what's your name by the way? i-aadd kita sa "other prints" section ko