Torete..
Lumipas ang mga araw at mga linggo at eto parang kidlat na dumating sya sa buhay ko! Nakakakuryente, nakakagulat.. just imagine, ilang buwan lang nakakalipas eh nakatingin ako sa kanya na halos hindi alam ang gagawin ngayon kasama ko na sya halos araw araw! whew!
Pag kasama ko sya marami ang pwedeng mangyari..parang kang nasa isang adventure na hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan nito. Siguro gusto ko lang talaga sya makasama lagi, kaya siguro ganito ang nasa isip ko ika nga ni Acel Bisa "Torete".
In love?? oo siguro nga.. hindi namn nararamdaman ito ng isang taong hindi in love dba??? pero maaring infatuated lang ako, maaring nmn hindi. sabagay ang hirap naman i describe ng infatuation sa true love, pag kinupara mo parang sa traydor at hindi traydor tama ba??:)
Kakaiba #1
Pero totoo nga na pag kasama ko sya marami ang pwedeng mangyari at halos lahat kakaibang pangyayari. Minsan pauwi na kami galing eskwelahan sumakay kami ng jeep na lagi naming sinasakyan at dahil sa may V. Luna lang sya umuwi iisa lang kami ng sinasakyan, Project 2&3 oo jeprox kami! hehehe:)
Kasama namin isa kong barkada ng mga panahon na iyon, at ng papaliko na ang jeep namin sa may Kamuning Rd...
BIGLANG! may isang truck ng softdrinks na papaliko rin doon, kami nasa kanan at sya nmn nasa kaliwa at sa sobrang bilis ng entrada nya habang papaliko, tumapon ang mga softdrinks na bibit ng kanyang trak nya! halos dalawang dipa lang ang layo saamin nung mga nagtapunang mga softdrinks. Halos maubos ang laman ng trak nya sa dami ng boteng nabasag sa gilid namin, sabagay wala namn laman ang mga bote nya pero kahit na! eh kung napalapit lapit yung jeep namin sa kanya puro bubog at sugat ang katawan namin..sa buhay ko dun lang ako muntikang makaexperience na maoospital dahil sa aksidente. haaay iba talaga
Kakaiba #2
Halos palagi na magkikita kami eh hindi pwedeng hindi manonood ng sine. Lahat ata ng sine ay napanood na nmin nung mga panahong yun. Minsan sa Gateway, Megamall, SM North, pero madalas sa Gateway.
Kaya gaya ng nasabi ko pag magkasama kami laging meroong kakaibang nangyayari..hindi ko alam kung bakit pero madala ay biglaan. Nasa Gateway kami nun napagtripan namin manood ng sine kaya ako bumili ng food at sya na raw bahala sa tickets, pero ayoko pumayag dahil syempre lalaki dba?? male ego mahirap ata panagumpayan yun, kaya sabi ko sa kanya "ako na lang lahat steady ka na lang ok?" pero sya ang babaeng hindi pumapayag ng gnun, na lalaki lang ang gagastos pag dating sa date para sa kanya dapat equal. So sinabi nya sya na raw ang bahalang bumili ng ticket at ako na bhala sa food so gnun nga ang nangyari at yun in the end wala ako nagawa kung hindi sumunod hehehehe:)
So after ko bumili ng food naghintay ako sa kanya na matapos sa pila sa tickets, naupo ako dun sa parang mataas na na silya at may mataas na table na parang sa bar. Napansin ko may isang lalaki ang tingin ng tingin sa kanya habang sya ay bumibili ng tickets, as in parang ako sa kanya noon at parang sya namn sakin noon. Sa bagay hindi naman masama ang tumingin dapende na lang sa pagtingin dba??? So lumapit na sya sakin pagkatapos nyang pumila at sinabi nya sakin "lets go!".
Eto na! cguro malapit na magsimula ang sine ng biglang pagdukot nya sa bulsa nya ay nawawala pala ang ticket. So ako naman sabi ko hawakan nya yung food ako na ang bahalang maghanap. Binigay ko sa kanya lahat ng dala ko tapos dali dali akong tumakbo para hanapin yung ticket. Sa katapus tapusan wala si ticket kaya bumalik na agad ako sa kanya na medyo mainit na ang ulo.
"sabi ko namn kasi ako na ang bibili eh.." sabi nya "eh bat mainit ulo mo?! kung ako sayo relax ka lang ok?!" kaya naman medyo mainit na ang ulo ko nun eh ngayon lang sakin nangyari yun naghahanap ng ticket sa gitna ng Gateway mall tapos magsisimula na yung movie. Iba talaga pag first time mo naranasan ang isang panyayari ibat ibang reaksyon..
Agad tinanong ko sya "so paano na yan wala yung ticket?" sabi nya "sige ako na ang bahala steady ka lang dyan". Lumapit sya dun sa tagapunit ng tickets pag papasok ka na sa sinehan, at may sinasabi sya na hindi ko naman marainig dahil medyo may kalayuan ako. Siguro mga 1 minute din syang nagsasalita sa harap ng guard at dun sa tagapunit ng ticket. At pagkatapos lumapit na sya sakin na nakangiti at sinabi "ok na hehehe" sabi ko "ano sinabi mo?" sabi nya "basta ok na.."
Pag lapit namin dun sa guard at tagapunit ng ticket tinatakan na kami sa braso ng pantatak..at sinabi nya pa "salamat ate!" sabay saludo ehehhehe. Ibang klase talaga pangyayaring ito siguro nadaan nya sa ningning ng kanyang mga mata at ganda ng mukha kaya kami both na pinapasok sa movie house..oh kaya sadyang kapanipaniwala ang mga sinabi nya kaya ganoon. Pero kung sa iba yun, mahihirapan makiusap dun tapos ang dahilan pa eh nawala yung ticket dba?? pero depende naman sa nakikiusap sa itsura siguro oh sa suot ewan.:) samadaling sabi nasimulan nmin yung movie heheheh!
Kakaiba #3
Minsan naman manonood ulit kami ng sine at sa mga panahong iyon ang trip naman ay sa Megamall. Ewan ko kung bakit namin napag diskitahan sa megamall manood basta dun na lang namin napag tripan. At eto pa wala pa sa plano ko manood ng sine ng mga oras na yun bigla na lang sya nagtxt sakin na libre nya raw ako. At ako naman dahil sa kagustuhang kong makita sya, pumayag na rin ako kahit na ang mangyayari eh last full show ang palabas.
So sya daw ang pupunta sa bahay at kikitain nya ako, sinabi ko naman ikaw ang bahala ikaw ang may gusto eh..
Sa madaling sabi nasa megamall kami ng mga 8 at nakapanood namn kami ng sine. Nang nasa loob na kami ng sinehan, naupo kami s bandang middle part sa taas. Eh usually ugali namin pareho na itaas yun mga paa namin sa silya habang nanonood ng sine. May isang mama na akala mo sa upuan nya itinataas namin yung feet at ang sama makatingin..gusto ko na sanang kausapin yung lalaki at bkit para syang mangangain ng tao kung makatingin. Pero pinigilan ko lang sarili ko at magkagulo sa movie house..haaaaaaay!
to be continued..
0 comments:
Post a Comment