Sa ating makabagong panahon lahat ay nagbabago, maging sa pananamit, libangan, kultura, at pati na rin ang ating wika. Nakakalungkot nga lang minsan nakakalimutan na rin natin na tayo ay isang Pilipino. Lalo na dito sa Amerika na kadalasan ng mga kabataang Pilipino ay pinalaki sa kultura ng mga taga kanluran.
Kaya tayo bilang isang Pilipino huwag na huwag natin kalilimutan na tayo ay Pilipino. At pag nangyari na tayo ay makakalimot sa ating pinagmulan, masahol pa tayo sa isang malansang isda.
Kaya bilang handog sa kakatapos na buwan ng wika, ako ay nag paskil ng isang tagalog na sulat dito sa aking blog, upang ipaalam sa mga nakakabasa na ipinagmamalaki ko na ako ay isang PILIPINO!
p.s. medyo nahuli na ang post ko last august pa ang buwan ng wikang pilipino, pero may kasabihan sa wikang tagalog na "Huli man daw at magaling, naihahabol din."
Saturday, October 2, 2010
Pilipino ka, sabihin mo!
Posted by Joshua at 3:25 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment